hay grabe naman. haha. :)) ten years bago makalog in dito. putek kasi yan, nakalimutan ko ung account ko dito. akala ko di ko na mabubuksan. haha. muntik na naman akong gumawa ng bagong account. buti na lang nung nasa registration page ako, nakita ko sa password na "...must be 8 characters long" daw. eh di ayun! naalala ko na yung password ko. naalala ko tuloy nung ginawa ko to, nag-aalala pa ko nun kung baka di ko maalala yung password ko. at nangyari na nga. haha. hay nako.
so ayun! haha. ang dami ko dapat ikkwento kaso lagi kong nakakalimutang maglog in eh. ayy, hindi naman gaano, ang kaso lang kasi kapag nabuksan ko na yung facebook ko at naidiretso ko na sa Restaurant City, paktay na! nakakalimot na po ako. haha.
gumawa nga ako ng site para lang sa mga kpop fans, wish ko nga lang magkaroon ng iba pang members eh. para di ba? hehe.
pumunta nga pala kami ni tita sa sm. hehe. pero bago kami pumunta dun, dumaan muna kami sa mcdo kasi nga iddeliver ni tita yung t-shirt tapos ayun! hehe. dumiretso na kaming sm. nakalimutan pa nga niyang magwithdraw sa BPI dun sa tapat ng RFC, nawala kasi sa isip niya. haha.
natulog nga ako agad pag-uwi namin kasi ewan, inantok ako eh. haha. grabe, tulo pa laway ko sa throwpillow. kakahiya. haha. pero 'di bale, nakatulog naman ako ng mahimbing!
ayy nako, pasukan na naman bukas. putek yan, wala kaming assignment? badtrip eh. haha.

accomplished.